Home METRO Babae patay sa bugbog ng mister sa SoCot

Babae patay sa bugbog ng mister sa SoCot

293
0

MANILA, Philippines – Patay sa bugbog ng sariling mister ang isang misis sa Polomolok, South Cotabato dahil sa umano’y kalaguyo nito.

Sa ulat nitong Biyernes, Agosto 4, ang biktima ay 40-anyos habang ang suspek naman na mismong asawa nito ay 57-anyos.

Ayon sa impormasyon, sinabi ng mister na nahuli niya umanong may kasamang ibang lalaki ang kanyang misis noong gabi ng Agosto 1, at nang umuwi kinabukasan ay doon na sila nagkaroon ng matinding pagtatalo.

Ito ay humantong sa pambubugbog ng mister sa kaniyang asawa.

Nadala pa ng buhay ang misis sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

“Nasaktan niya yung asawa niya, nagkaroon ng head injury. Dinala sa hospital unfortunately namatay,” pahayag ni Polomolok Municipal Police Station Chief, Lt. Col. Johnny Rick Medel.

Mahaharap sa reklamong parricide ang suspek. RNT/JGC

Previous articleHigit ₱9M shabu, marijuana nasamsam sa 6 na suspek
Next articleConfi, intel fund requests sa gov’t agencies, parang nauuso na – Ejercito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here