MANILA, Philippines – Natagpuan ang bangkay ng isang babae makaraang magkaroon ng sinkhole malapit sa kanyang tirahan sa Danao City, Cebu.
Ayon sa ulat, ang nasawi ay isang 46-anyos na babae na natabunan sa naturang sinkhole sa Purok 3, Barangay Sabang, Danao City, Cebu Biyernes ng gabi, Pebrero 3.
Narekober ang bangkay ng biktima pasado alas-9 ng gabi.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ng Danao City, kasalukuyan na silang nagsasagawa ng assessment upang malaman kung ligtas pa ba ang lugar na tirahan.
Tinitingnan na ng CDRRMO kung kinakailangan ba na magsagawa ng preemptive evacuation sa mga residente sa nasabing lugar.
Ang lugar kung saan nabuo ang sinkhole ay dati nang ginamit sa quarrying at posible umanong nag-collapse dahil sa mga pag-ulan. RNT/JGC