CAMP MIGUEL MALVAR, Batangas City- Nasamsam ng mga pulis ang shabu na nagkakahalaga ng P1.2 milyon at nadakip ang isang 45-anyos na babaeng pusher sa isang buy-bust operation sa lugar na ito nitong Huwebes.
Kinilala ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang suspek na si Bunny, isang high-value individual sa city police drug watchlist.
Narekober mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may bigat na 175 gramo at nagkakahalaga ng P1.2 milyon at buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa drug-related charges.
“The Batangas PPO remains steadfast in its commitment to dismantle drug networks and bring perpetrators to justice,” pahayag ni Police Col. Jacinto Malinao Jr., Batangas police director. RNT/SA