Home METRO Babaeng architect ginahasa, pinatay sa sagingan

Babaeng architect ginahasa, pinatay sa sagingan

504
0

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang ginahasa bago pinatay ang 28-year-old architect na natagpuang nakabalot ng mga tuyong dahon ng saging sa isang farm sa Davao City.

Ayon sa ulat, makikita sa CCTV ang biktima na sumakay ng isang dilaw na tricycle bandang alas-10 ng gabi nitong Martes, Mayo 16.

Sa naunang ulat, sinasabi na nagawa pang makapag-text ng biktima sa kanyang magulang na pauwi na siya sakay ng tricycle.

Nang sumunod na araw ay dito na natagpuan ang bangkay ng biktima sa plantasyon ng saging.

“Sinasabi ng ibang tricycle driver, hindi rin nila alam kung sino [ang driver]. And then, pagsakay ng victim sa naturang motorcycle, may nauna nang nakasakay na lalaki,” pahayag ni Police Major Catherine Dela Rey, spokesperson ng Davao City Police Office.

Advertisement

“Ang cause of death ng biktima ay asphyxia due to manual strangulation or sinakal siya. Na-clear din doon na na-rape ang victim,” dagdag pa niya.

Nahihirapan naman ang mga imbestigador na tukuyin ang tricycle na ginamit dahil wala itong body number o kaya naman ay plaka.

Bumuo na ng special task group para tukuyin ang suspek sa nangyaring krimen.

Nananawagan naman ang pamilya ng biktima sa hustisya para sa babaeng architect. RNT/JGC

Previous articleGMA nagsalita na, itinangging gustong maging House Speaker
Next articleMas mataas na speed limit sa mga expressway, inihihirit

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here