Home METRO Babaeng bigo sa pag-ibig, tumalon sa gusali

Babaeng bigo sa pag-ibig, tumalon sa gusali

1684
0

MANILA, Philippines – Masusing iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang 28-anyos na ginang matapos na umano’y mahulog sa tinutuluyang condominium sa Sta. Mesa, Maynila.

Ang biktima na hindi pinangalanan ay nanunuluyan sa El Pueblo Manila Condominium, Anonas St, Sta. Mesa.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente alas-7:15 ng gabi ng Huwebes nang tumalon at bumagsak sa pool area ang biktima.

Napag-alaman din batay sa pahayag ng ama ng biktima sa pulisya na ang huli ay nakipaghiwalay sa kanyang boyfriend.

Ito ay makaraang matuklasan ng biktima na mayroon pang ibang babae ang kanyang boyfriend.

Sinabi naman ng pamangkin ng biktima na napansin na niyang balisa ang kanyang tiyahin dahilan para siya ay mag-alala hanggang sa madiskubreng nakahandusay ito sa tabi ng swimming pool.

Huling nakitang buhay ang biktima alas 7:05 ng gabi nitong Huwebes. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleWilbert, nag-ala-Voltes V sa kaarawan!
Next article7 nasagip sa lumubog na bangka sa Mindoro

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here