MANILA, Philippines – INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na naaresto ng kanilang mga tauhan ang isang babaeng Chinese na wanted ng awtoridad sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa large-scale pyramid investment scam.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang wanted na si Liu Jing, 44, na inaresto sa loob ng kanyang bahay sa isang subdivision sa Biñan, Laguna ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng BI.
Si Liu ay inaresto ng operatiba ng BI-FSU sa bisa ng mission order mula kay Tansingco sa kahilingan ng Chinese authorities.
Ayon kay Tansingco, kinansela ng gobyerno ng China ang pasaporte ni Liu na maituturing nang isang undocumented alien at maaari na itong ipa-deport.
Over-staying na rin si Liu kung saan dumating sa bansa noong Disyembre 31, 2019 bilang turista at hindi na umalis pa simula noon.
Advertisement