ZAMBOANGA CITY- Patay ang isang babaeng empleyado ng local government ng munisipalidad ng Naga sa Zamboanga Sibugay, nang pagbabarilin ng hindi natukoy na assailant sa RT Lim municipality, Zamboanga Sibugay nitong Sabado.
Kinilala ni Police Major Shellamie Chang, Police Regional Office-9 information officer, ang 23-anyos na biktima na si Charlene Joy dela Cruz, residente ng munisipalidad ng Tungawan.
Inilahad ni Chang na sakay si Dela Cruz ng kanyang motorsiklo nang sundan ng suspek sakay din ng motorsiklo.
Pagdating sa Purok Tandang Sora sa Barangay Tupilac, pinagbabaril mng suspek si Dela Cruz sa ulo.
Dinala si Dela Cruz sa RT Lim Family Hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.
Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang motibo sa likod ng pag-atake at nagsasagawa na rin ng pursuit operations sa ikaaaresto ng suspek. RNT/SA