Home METRO Babaeng most wanted sa Taguig, arestado sa Malabon

Babaeng most wanted sa Taguig, arestado sa Malabon

263
0

MANILA, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng isang babaeng private tutor na listed bilang most wanted sa Taguig City sa kasong qualified theft matapos maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City, kahapon ng umaga, Mayo 18.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Monica Louise Consulta, 24, private tutor at residente ng No. 5 Rustia St., Brgy. Immaculate Concepcion, Quezon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Col. Daro na nagsagawa ang mga operatiba ng Malabon Police Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni PCMS Edwin Castilo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Alfredo Agbuya Jr at 4th MFC RMFB-NCRPO joint police operation kontrq wanted persons.

Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng WSS at 4th MFC RMFB-NCRPO sa naturang operation ang akusado dakong alas-10:40 ng umaga sa Gov. Pascual, Brgy. Concepcion.

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 153, Taguig City, para sa kasong Qualified Theft (RPC ART. 310)

Pansamantalang nakapiit sa costudial facility ng Malabon CPS ang akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. Boysan Buenaventura

Previous articlePosibleng local testing sites sa 2023 Bar Exam, inanunsyo ng SC
Next article2 tulak tiklo sa P44K shabu sa Malabon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here