Home METRO Babaeng nangingikil sa negosyante, tiklo sa entrapment ops

Babaeng nangingikil sa negosyante, tiklo sa entrapment ops

215
0

MANILA, Philippines – Isang Babae ang inaresto sa isinagawang entrapment operation nang tangka nitong kotongan ang Isang negosyante sa Brgy Malagasang 1G,
Imus City, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang suspek na si Liezl San Jose y Legaspi ng 319 Pag-asa Subd., Brgy. Bucandala, ng nasabing lungsod matapos ireklamo ng isang 50 anyos na lalaking negosyante.

Batay sa ulat ni PSSgt Jessie Villanueva ng Imus CPS, humihingi umano ng halagang P120,000 ang suspek sa lalaking negosyante kapalit ng hindi nito pagsusumbong sa kanyang asawa matapos nitong akusahan ng umano’y panggagahasa sa kanyang pamangkin.

Advertisement

Subalit sa halip na matakot ang negosyante, nakipagkasundo itong ibibigay ang hinihinging halaga sa suspek at takdang magkikita alas-7:00 ng gabi sa isang food chain.

Lingid sa kaalaman ng suspek na nakipagugnayan ang negosyante sa pulisya kaugnay sa pag-extort sa kanya hanggang sa napagkasunduan magkaroon ng entrapment operation.

Dito na inabutan ng negosyante ang suspek na naghihintay sa loob ng food chain hanggang sa ikinasa na ang nasabing entrapment operation at naaresto ang suspek. Margie Bautista

Previous articleSBP president pinuri ang UAAP, PBA sa tagumpay ng GILAS sa SEA Games
Next articleTauhan ng BOC ‘di nakikinig sa Senate hearing, sinermunan ni Padilla

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here