Home NATIONWIDE Babaeng sangkot sa child pornography pinatawan ng lifetime imprisonment, multang P2M

Babaeng sangkot sa child pornography pinatawan ng lifetime imprisonment, multang P2M

MANILA, Philippines – Hinatulan ng Korte Suprema na makulong ng habangbuhay at P2 milyon multa laban sa isang babae na sangkot sa child pornography kung saan ang biktima ay sarili niyang pamangkin.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng mababang hukuman at Court of Appeals na si Pineda ay guilty ng paglabag sa kaukulang probisyon ng Anti-Child Pornography Act of 2009 gayundin ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nag-ugat ang kaso sa tip ng Federal Bureau of Investigation ng Amerika na humantong sa pagsalakay ng PNP sa bahay ng akusado na si Luisa Pineda.

Doon nakuha ang computer set at cellphone na nagtataglay ng mga hubot hubad na larawan at video ng 6-taong gulang na pamangkin na babae ng akusado.

Nailahad rin ng biktima ang dalawang pagkakataon kung saan inutusan siya ng tiyahin na hawakan ang maselang bahagi ng kanyang katawan habang nakaharap sa computer screen.

Hinatulan si Pineda ng paglabag sa kaukulang probisyon ng Anti Child Pornography Act of 2009 gayundin ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Teresa Tavares

Previous articleEconomic Charter amendments maipadadala na sa Comelec bago ang Holy Week
Next articleNATIONAL DOWN SYNDROME CONSCIOUSNESS MONTH