Home METRO Babaeng ‘tulak’ laglag sa P3.6M shabu

Babaeng ‘tulak’ laglag sa P3.6M shabu

SARIAYA, Quezon- Naaresto ng mga pulis ang hinihinalang tulak ng droga at nasamsam ang shabu na nagkakahalaga ng P3.6 milyon sa isang buy-bust operation nitong Huwebes sa Barangay Pili, sa bayang ito.

Kinilala ang suspek na si alyas Sharon, 47, residente ng Barangay Isabang, Tayabas City, Quezon, at nakatala bilang newly identified drug personality.

Nakumpiska mula sa kanya ang 175.98 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,589,992 at marked money.

Nahaharap ang suspek sa drug-related charges. RNT/SA

Previous article‘Foolish’ people’s initiative dapat ipatigil ni Marcos kay Romualdez – Koko
Next article‘Ayuda scam’ binira ni Bong Go