Home METRO Babaeng tumawid sa NLEX, nabundol ng kotse todas!

Babaeng tumawid sa NLEX, nabundol ng kotse todas!

Bulacan -Patay ang isang hindi nakilalang babae na umano’y tumawid at aksidenteng nabundol ng kotse sa NLEX sakop ng bayan ng Marilao.

Sa report, nangyari ang insidente pasado alas-5 ng umaga nitong Huwebes, Agosto 24, sa bahagi ng south bound lane ng NLEX-Marilao.

Ayon sa report ng pulisya, may bitbit pang isang supot ng pandesal ang biktima nang aksidenteng mabangga ng kotse.

Nabatid na walang malinaw na pinanggalingan na sasakyan ang biktima at posibleng tumawid lamang ito sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring insidente. Dick Mirasol III

Previous articleHiwalay na welfare office, special court para sa mga kasambahay ipinanukala
Next articleKelot arestado sa P1M ‘bato’ sa Baguio