Babaerong mister, pinutulan ng manoy ni misis

Babaerong mister, pinutulan ng manoy ni misis

June 22, 2020 @ 10:19 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Thailand – Nahanap ng isang lalaki ang malupit na leksyon sa kanyang buhay dahil sa kanyang pagiging babaero.

Sising-sisi at awang-awa ngayon sa sarili ang isang mister sa isang lungsod sa bansang Thailand matapos siyang putulan ng “kaligayahan” ng kanyang misis.

Mag-isang nagtungo sa Sawang Boriboon Medical Foundation sa Pattaya City ang lalaki habang duguan at umaaringkingking sa sobrang sakit para humingi ng medical assistance.

 

Nagulat ang mga medical staff na sumalubong sa kanya nang makita na hawak pa niya ang kanyang putol na ari.

Hirap na hirap at iyak nang iyak, sobra ang pakiusap ng mister sa mga doktor na ibalik ang “naputol niyang kaligayahan”.

Ngunit lalo siyang napahagulgol nang sabihin ng mga doktor na kahit imposible na ang gusto niyang mangyari ay gagawin pa rin nila ang lahat para muli itong maidugtong.

Sinasabing maidugtong mang muli, mahihirapan na rin itong tumayo dahil sa mga nasirang mahahalagang ugat at litid sa “kahabaan” ng lalaki.

May ilang nurse ang umano’y nanghinayang dahil nakita nilang may kalakihan ang manoy ng mister na nasa 30-anyos pataas.

Ayon sa ulat, natutulog ang biktima nang gisingin ng matinding hapdi at sakit.

 

Inaalalayan ng mga medical staff ng ospital ang lalaki dahil hirap siyang makatayo. Nasa larawan ang ari niya na pinutol ng “malupit” na misis.

Pagkamulat niya ng mata, nakita niya ang pagsirit ng dugo sa kanyang kaselanan. Duon niya napagtanto na pinutol ang kanyang ari ng misis na may hawak pang kutsilyo at galit na galit.

Nagtatakbo palabas ng bahay ang mister at mabilis na dumiretso sa ospital.

Palagi umanong nagtatalo ang mag-asawa dahil sa pagseseslos ng babae sa hinalang may ibang babae ang biktima. Nats Taboy

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...