Home HOME BANNER STORY Babala ng Batangas PDRRMO: Patuloy na magsuot ng mask sa vog ng...

Babala ng Batangas PDRRMO: Patuloy na magsuot ng mask sa vog ng Taal

MANILA, Philippines – Inabisuhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Batangas ang mga residente ng probinsa na patuloy pa ring magsuot ng face mask o N95 respirator mask dahil sa umiiral pa ring volcanic smog (vog) mula sa Bulkang Taal.

Sa panayam, sinabi ni Dr. Amor Calayan, PDRRMO head, ang steaming ay dala ng sobra-sobrang tubig sa crater ng Taal at nagdaragdag ng sulfur sa hangin.

“It is a normal scenario for an abnormal volcano like Taal Volcano,” ayon kay Calayan.

“We remain in Code Blue, which means we are 24/7 on alert monitoring the volcano,” sinabi pa niya.

Sa kabila nito, nananatili sa Alert Level 1 ang babala sa Bulkang Taal.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang vog ay isang uri ng air pollution na dulot ng bulkan na binubuo ng fine droplets at nagtataglay ng volcanic gases, katulad ng sulfur dioxide.

Ilan sa mga karaniwang epekto nito ay eye at throat irritation, ngunit maaari ring magdulot ng respiratory tract infection.

Matatandaan na ang matinding vog sa probinsya ay nagdulot pa ng suspensyon ng klase o pagpapatupad ng modular distance learning sa ilang lugar.

Nitong Biyernes, 36 na estudyante mula sa Bayorbor, Mataas na Kahoy ang nakaranas ng hirap sa paghinga, chest pain at pagkahilo. RNT/JGC

Previous articleZamboanga Siege inalala
Next articleBangka ng China nakarma sa paninindak sa barko ng Pilipinas – AFP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here