Home HOME BANNER STORY Babala ni Blinken sa pagpapagana ng PH-US Mutual Defense Treaty pinalagan ng...

Babala ni Blinken sa pagpapagana ng PH-US Mutual Defense Treaty pinalagan ng Tsina

MANILA, Philippines – KINONTRA ng Chinese Embassy in the Philippine ang “thinly veiled threat” ni United States Secretary of State Antony Blinken para ipanawagan ang Mutual Defense Treaty ng Estados Unidos sa Pilipinas sa gitna ng tensyon sa South China Sea.

“We firmly oppose the groundless accusations made by Secretary Blinken about China’s legitimate and lawful actions in the South China Sea and his thinly veiled threat to invoke the so-called MDT obligations,” ayon kay Chinese embassy Counselor Ji Lingpeng sa isang kalatas.

Inilarawan ni Ji ang PH-US MDT bilang “a vestige of the Cold War.”

“The military cooperation between the US and the Philippines should not undermine China’s sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea,” ayon kay Ji.

Sa naging opisyal na pagbisita ni Blinken sa Maynila, sinabi nito ang kahalagahan na pabilisin ang “decades-old alliance ng Estados Unidos sa Pilipinas sa harap ng regional at global challenges.

“These waterways are critical to the Philippines, to its security, to its economy. But they’re also critical to the interests of the region, the United States and the world. It’s why we stand with the Philippines and stand by our ironclad defense commitments, including under the MDT,” ayon ay Blinken.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Blinken sa kamakailan lamang na insidente sa South China Sea na ayon sa kanya ay banta sa “free and open Indo-Pacific.”

Bilang tugon, hinikayat ng Chinese Embassy ang Estados Unidos na huwag manulsol o pumanig dahil ito’y walang karapatan na makialam o manghimasok maritime issues sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

“The recent tension in the South China Sea would not have occurred without the US egging on the Philippines. Indeed, the US admits to banding together a small number of countries to offer verbal support to the Philippines,” dagdag na wika nito.

Previous articleTolentino-sponsored Sharia courts, aprub sa ikalawang pagbasa sa Senado
Next articleDuterte-China ‘deal’ probe sa pag-alis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin  ‘aksaya sa oras – Panelo