Home OPINION Babaligtad nga kaya mundo sa DOTr?

Babaligtad nga kaya mundo sa DOTr?

“WHAT goes around, comes around,” ang sikat na linya sa pelikulang ‘Scarface’ ni Al Pacino na pinatutukuyan ay tungkol sa karma.

Dito sa atin, ang linyang ito ay simple lang ang katumbas, ‘kung ano ang iyong ginawa sa iyong kapwa, ay gagawin o’ mangyayari din sa iyo.’

Bakit ko isini-share ito sa inyo? May mga nakalap kasi akong impormasyon na tila ganito ang mangyayari sa Department of Transportation o DoTr.

Babaligtad nga ba ang mundo sa DoTr?

Sa nasagap na impormasyon ng Good Riddance, ito raw si DoTr Secretary Jaime Bautista ay malapit nang buminggo.

Bibinggo, hindi dahil sa mga palpak na nangyayari sa kanyang departamento kundi sa umano’y kanyang pinangangalandakang kasangga niya ang Unang Ginang na si LAM o si Liza Araneta Marcos kaya raw ‘di siya ubrang matinag sa ahensya?

Pero lingid sa kanyang kaalaman, nakaumang na ang nagresign na dating Land Transportation Office chief Jay-Ar Tugade bilang bagong kalihim ng DoTr.

Kasama ‘yan sa nasagap kong impomasyon mga katoto ko.

Kung inyong maaalala, napilitan si Tugadeng magpakumbaba at bumaba na lamang sa p’westo para lamang di na lalong gumulo ang gusto ni Bautista na mangyari sa LTO – ang mahawakan ng DoTr ang bidding sa milyon-milyong pisong pagpapaimprenta ng mga plastic card na lisensiya.

Pero ano ang nangyari, na-TRO (Temporary Restraining Order) ang ginawang ito ni Bautista, dahil nagkaroon daw ng iregularidad sa bidding dahil umano’y ang ipinanalo ng grupo ni Bautista na bidder ay walang kakayahang magserbisyo sa LTO.

Bakit ‘di na lang kaya si Bautista ang magpakumbaba, para maisayos ang lahat sa DoTr.

Wala ba siyang pakiramdam o ‘di niya nakikita, o sadyang dinededma niya na lang ang mga nangyayaring kamalasan sa kanyang departamento?

                           Silver Award para sa Navotas

Nakamit ng pamahalaang lokal ng ng Navotas ang Silver Award sa treatment coverage rate laban tuberculosis ng Department of Health.

 

Mismong si Vice Mayor Tito Sanchez ang tumanggap ng plake habang todo naman ang pasasalamat ni Mayor John Rey Tiangco lalo na sa health workers ng lungsod.

 

“We also call on each Navoteño to join the fight against TB. This disease is contagious, but curable. Patients can avail of its treatment for free at our accredited TB-DOTS centers,” anang alkalde.

Previous articleChinese national na naaresto sa sinalakay na POGO, nawawala- Remulla
Next articlePINAKAMABUTING MAGPAKATOTOO SA PRESYO NG BIGAS