Home ENTERTAINMENT Baby Go, bet gawan ng pelikula ang KathNiel!

Baby Go, bet gawan ng pelikula ang KathNiel!

Manila, Philippines- Maraming plano ang tinaguriang “Queen of Maindie Films” na si Ms. Baby Go ngayong taon.

Aniya, magpapaka-aktibo raw ang kanyang kumpanya sa pagpro-prodyus ng iba’t-ibang klaseng de-kalidad na mga pelikula.

“May mga naka-lineup na kaming projects. Nakapag-meeting na din kami ng production staff ko. I can confidently say that we are ready to make movies again this year,” aniya.Open din daw siya sa pakikipag-collaborate sa ibang produksyon.

Ibinalita din ng BG Productions executive producer ang collaboration nila ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio para sa pelikulang “One Dinner A Week” na pagbibidahan nina Edu Manzano, Ritz Azul, at Barbara Milano, mula sa direksyon ni Lester Dimaranan.

Aniya, bet din daw sana niya na mapagsama ang kontrobersyal na couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang proyekto.

May comedy din siyang niluluto para sa mga OPM icons na sina Pilita Corrales, Imelda Papin at Eva Eugenio.

Muli rin daw niyang bubuksan ang kanyang BG Showbiz Plus magazine.

“Naniniwala pa rin ako na may market pa rin sa print,” aniya.

Sa ngayon, tapos na niya ang pelikulang “AbeNida” na pinagbibidahan ng multi-award at internationally acclaimed actor na si Allen Dizon.

Ilan sa award-winning at critically acclaimed films na iprinudyus ng BG Films ay ang “Lauriana”, “Lihis”, “Homeless”, “Sekyu”, “Child Haus”, “Laut”, ” Area”, “Siphayo”, “Balatkayo”, “Almost A Love Story”, “School Service” at “Latay.” Archie Liao

Previous articleKoleksyon ng BIR sa pagtatapos ng Nob. 2023 sumampa sa P2.34T
Next articleManok, poultry products mula Belgium, France ipinagbawal makapasok sa Pinas