Home ENTERTAINMENT Baby nina Rocco at Melissa, muntik nang malaglag sa mesa!

Baby nina Rocco at Melissa, muntik nang malaglag sa mesa!

Manila, Philippines – Matinding takot ang naramdaman ni Rocco Nacino nang malaglag mula sa lamesa ang kanilang 10 month old baby ni Melissa Gohing na si EZ.

Kuwento ni Rocco, hawak-hawak niya ang kanyang anak pero nang sandaling mawaglit ang kanyang atensyon ay nahulog na agad ang baby.

“So, I just had my first scare of my life,” panimula ni Rocco sa video na kanyang ipinost sa Instagram.

“Just a few minutes ago, hawak-hawak ko si EZ dito sa table na ito. I reached over para patayin ‘yung isang lamok. Sa isang iglap, EZ chose to lean over to the side, dito sa edge. Nalaglag siya. Pero nasalo ko yung paa ni EZ,” kuwento ni Rocco.

Mapapanood sa hulihan ng video ang CCTV footage kung saan makikitang nahulog si EZ mula sa mataas na lamesa na una ang ulo. Mabuti na lang, kaagad nahagip ni Rocco ang paa ng bata kaya hindi ito nahulog sa sahig.

Dahil sa nangyari, hindi na ito makakalimutan ni Rocco habambuhay kaya may paalala siya sa mga kapwa niya magulang din.

“Reaching out to the new parents out there, as they grow bigger, older, lalo ring lumalaki yung dangers that come along the way,” aniya.

Payo niya sa mga magulang, laging bantayan ang kanilang baby.

“Don`t make the mistake I did. Be safe,” paalala niya.

Dahil sa nangyari ay plano niya ngayon ipa-baby proof ang kanilang bahay.

“Now I really have to baby proof the whole house to ensure a safe, playable environment,” aniya.

Sumagot ang misis niyang si Melissa sa comment section na wala pala sa bahay nang mangyari iyon.

“Huhuhu, `pag nandiyan ako, iiyak ako. God is good nothing (happened),” say ni Melissa.

Maging ang mga netizens ay labis na kinabahan dahil sa muntikang pagkahulog sa lamesa ng first baby nina Rocco at Melissa.

Narito ang ilang comments ng netizens.

“Mabuti at mabilis ang mga reflexes mo. But as a person, I truly empathize. As our kids grow older, marami pang darating na close calls bumps and bruises.”

“Yes, po, habang lumalaki sila is dapat 3x or 10x tayong mas alerto. Kasi kahit isang segundo lang, puwede silang mahulog, madapa at masaktan. I salute you po for being a very hands-on dad!”

“Don`t feel guilty po, normal naman po sa stage nila yan at sa ating parents. At the end of the day, lagi po tayong mag-doble ingat.” Gerry Ocampo

Previous article‘Goring’ inaasahang magiging bagyo sa Sabado – PAGASA
Next article880 PDLs pinalaya ng BuCor