Home METRO Back rider sabog utak sa trak

Back rider sabog utak sa trak

Bulacan – Nagviral sa social media ang kalunos-lunos na lalaking nadurog ang ulo matapos umanong masagasaan ng truck sa bayan ng Guiguinto.

Ayon sa kumalat na post sa Facebook, nakilala ang biktima sa pangalang Glenn at nangyari ang insidente nitong bago mananghalian ng Biyernes, Enero 26 sa Brgy. Sta Cruz.

Sa mga comment ng netizen, nalaman sa isang Traffic Enforcer na ang biktima ay pawang residente ng Brgy. Ilang-ilang, base sa ID na nakuha rito.

Sinasabing aksidenteng nahagip ng truck ang biktimang back ride ng tricycle hanggang sa masagasaan na ikinadurog ng ulo niya.

Sinusulat ito, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente. Dick Mirasol III

Previous article4 patay, 15 bahay nilamon ng apoy ng Quezon
Next articleConstitutional crisis, unti-unting nangyayari sanhi ng peoples initiative – Zubiri