Home NATIONWIDE Backlog ng LTO sa driver’s license 3M; plaka 12.5M

Backlog ng LTO sa driver’s license 3M; plaka 12.5M

MANILA, Philippines- Paubos na ang plastic cards kung saan iniimprenta ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s licenses, kung saan ang kasalukuyang backlog ay mahigit 3 milyon.

Mayroon lamang 137,945 natitirang plastic cards ang LTO at inaasahang magagamit sa loob ng halos dalawang linggo.

“Ang utilization rate natin is around 15,000 a day… At 137,000, this would last us around 10 working days… We are now in paper license cards,” pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza sa isang panayam.

Sa House Committee on Transportation hearing nitong Martes, tinanong ni 1-RIDER party-list Rep. Bonifacio Bosita ang LTO kung paano nito planong gamitin ang natitirang suplay.

“Marami kasi tayong nare-receive na calls or complaints from our kababayans, lalo na sa OFWs, at alam nating malaking problema ito para sa kanila, lalu na ang drivers na ang hanapbuhay sa abroad ay mag-maneho. In fact may nag-abroad na nag-expire. Considering na maliit lang itong 137,945 cards na available, ano ang plano niyo rito?” tanong ng mambabatas.

“Our priority are the OFWs. We instruct the district offices to reiterate that whatever cards are left, prioritize OFWs,” tugon ni Mendoza.

Upang tugunan ang backlog at ang regular na demand, sinisilip ng LTO na isulong ang agency-to-agency procurement para sa 6.5 milyong plastic cards. 

Kinokonsidera rin ni Mendoza ang paggamit ng e-licenses bilang alternatibo sa physical driver’s license card.

 “Kung may electronic licensing na tayo it could be the primary license to be used, baka hindi na kailangan ng plastic cards. Malaking katipiran sa gobyerno. Ordinary cellphone will do. Wala nang special gadget na kailangan. Lalabas na ‘yan through the internet,” ani Mendoza. 

Mayroon ding vehicle license plate backlogs ang LTO na aabot sa 12.5 milyon. Sa bilang na ito, 9.1 milyon ang motorcycle plates, habang halos 3.4 milyon ang black and white replacements para sa lumang green motor vehicle plates.

“Ang plaka nandyan na eh. Kung bibili ka ng kotse ngayon, ang plaka andyan na. Nagkakaproblema lang tayo sa distribution side, kasi ‘yung ibang dealer natin, bina-batching ang pagkuha ng plaka at OR/CR sa LTO at pag-submit ng mga required documentation,” anang LTO chief.

“That’s why we are implementing ngayon online filing para madalian mag-file, mas mabilis, kukunin nalang ang plaka at OR/CR,” dagdag niya.

Samantala, sa halos 27 milyong sasakyan sa bansa, halos 13 milyon ang unregistered.

“People do not register because anyway we are unable to enforce registration requirements on these vehicles especially in the provinces. Some explanations given to me is that they were not able to register during the pandemic and it just carried over after the pandemic. Some saying that their vehicles are already broken, dilapidated, and already set aside,” paliwanag ni sa komite.

“Are you aware of the consequences if these unregistered vehicles would continue to use the roads of this country?” tanong ni panel chairperson Representative Romeo Acop.

“Yes, that’s why we are aggressively addressing delinquent vehicles,” pagtitiyak ng LTO chief sa komite. RNT/SA

Previous articleUST ‘media censorship’ kinondena ng Thomasians
Next articleKathryn, magtatagal sa Australia!