Home METRO Bacolod nagdeklara ng state of calamity

Bacolod nagdeklara ng state of calamity

274
0

BACOLOD CITY- Isinailalim ang lungsod na ito sa state of calamity dahil sa pagbaha na resulta ng southwest monsoon o “habagat” na pinalakas ni “Goring.” 

Inaprubahan ng city council sa regular na sesyon nito noong Miyerkules ang resolusyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na magdeklara ng state of calamity matapos mahigit kalahati ng mga barangay ang bahain sa mga nakalipas na araw.

Tatlumpu’t tatlo sa 61 barangay sa lugar na ito ang apektado. Ito ay ang Barangays 1, 2, 6, 8, 9, 10, 16, 18, 21, 29, 30, 35, 36, 39, 40, Alijis, Banago, Bata, Estefania, Cabug, Felisa, Handumanan, Mansilingan, Pahanocoy, Punta Taytay, Sum-ag, Singcang-Airport, Taculing, Tangub, Vista Alegre, Montevista, at Mandalagan.

Nagpulong si Mayor Alfredo Abelardo “Albee” Benitez at mga kaukulang ahensya sa Bacolod City Government Center (BCGC) nitong Miyerkules upang talakayin ang mga panukalang ipatutupad matapos ang epekto ng pagbaha sa siyudad.

Paglalahad ni Benitez, tinalakay sa puling ang ugat ng pagbaha.

Iniulat ng CDRRMO na 3,998 pamilya o 12,868 indibidwal ang apektado ng pagbaha mula noong Linggo ng gabi.

Dahil sa state of calamity, suspendido ang klase sa lugar hanggang Setyembre 1 upang malinis ang ilang paaralan na naapektuhan ng masamang panahon. RNT/SA

Previous articleCondemnation facilities sinuri ng BOC
Next articleHabagat pinalakas pa ni ‘Hanna’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here