Home NATIONWIDE Bacoor mas aasenso at magkakaisa sa pagtatapos ng BSKE – Mayor Strike

Bacoor mas aasenso at magkakaisa sa pagtatapos ng BSKE – Mayor Strike

MANILA, Philippines – Pinulong ni Bacoor City Mayor Strike Revilla ang mga nagwagi na Punong Barangay sa Bacoor, Cavite ngayong araw ng Mierkules, Nobyembre 8, 2023, upang magbigay payo.

“Ngayong tapos na po ang barangay election, panahon naman na tuparin natin ang ating mga magagandang nais na mangyari sa mga barangay sa ating lungsod. Suklian niyo po ang inyong mga nasasakupan ang tapat na serbisyo na kanila tiyak na inaasahan,” paumpisa ng 24/7 kung mag-serbisyo na alkalde ng Bacoor, Cavite.

Naging mapayapa ang barangay election kamakailan sa Lungsod ng Bacoor dahil na rin sa paghimok ni Mayor Strike sa mga tumakbo na incumbent at bagong naghangad makaupo para sa barangay level positions.

“Sa pagkaka-isa natin, sigurado po ako na mas uunlad at aasenso ang Bacoor City. At ang makikinabang nito ay walang iba kung hindi ang ating mga mahal na Bacooreños. Mahal natin sila at serbisyuhan ng tapat at taos.puso,” mahigpit na bilin ni Revilla sa mga bagong Punong Barangay. RNT

Previous articleHousing units, land titles sa Yolanda survivors pinamamadali ni PBBM
Next articleWalang banta ng tsunami sa M-6.9 lindol sa Indonesia