Home NATIONWIDE Badyet ng DENR, babawasan; ililipat sa ibang ahensya – Tulfo

Badyet ng DENR, babawasan; ililipat sa ibang ahensya – Tulfo

MANILA, Philippines – Maraming tanong mula kay Sen. Raffy Tulfo ang hindi nasagot sa ginanap na budget hearing sa Senado kagabi, Nobyembre 20, sa deliberasyon ng pondo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa ilang proyekto na nakakaapekto sa Indigenous Peoples (IPs).

Kabilang sa proyektong ito ang Wind Farm sa Masungi Conservation area na maliwanag na hindi dumaan sa tamang proseso at kung saan dehado ang pobreng IPs na palaging natatapakan ang karapatan.

Kaya hiniling ni Tulfo na i-defer ang budget ng DENR o ‘di kaya ay bawasan ang kanilang dambuhalang pondo at ibahagi ito sa mas nangangailangan na ahensya tulad ng NBI.

Magagamit ng NBI ang dagdag na pondo para imbestigahan ang malawakang pananamantala sa IPs, partikular na ang sinabi ng DENR sponsor na madaling maimpluwensiyahan ang indigenous peoples, ani Tulfo.

Kasama sa hiniling ni Sen.Tulfo na maambunan ng budget ng DENR ang Department of Migrant Workers (DMW) para mapalawak ang mga tulong nito sa ating mga tinaguriang bagong bayani pati na rin ang Department of Information and Communications Technology (DICT) upang maprotektahan ang ating cybersecurity.

Dagdag pa ng senador, makakatulong din ang dagdag budget sa National Labor Relations Commission (NLRC) upang ang mga naaping manggagawa na nagsampa ng kaso laban sa mapang-abusong amo nila ay makakuha ng mabilisang hustisya. Ernie Reyes

Previous articleIsa pang insidente ng pagkamatay ng PCG apprentice, iimbestigahan na ng NBI
Next articleLotto Draw Result as of | November 21, 2023