Home NATIONWIDE Badyet para sa DMW suportado ni Bong Go

Badyet para sa DMW suportado ni Bong Go

Inihayag ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang walang pag-aalinlangang suporta sa panukalang badyet para sa Department of Migrant Workers (DMW) sa pagdinig sa Senado kamakailan.

Kasama rin sa dininig ang panukalang budget para naman sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

“I want to put on the record my full support for the proposed budget of the Department of Migrant Workers and the Overseas Workers Welfare Administration,” pagdedeklara ni Go.

 “Ako po ay lubos pusong sumusuporta sa mga nakahanda pang plano at programa ng departamentong ito para sa ating mga kapwa Pilipino na nagtatrabaho sa labas ng ating bansa,” idinagdag ni Go.

Ayon kay Go, napakahalaga ng papel na ginagampanan ng OFWs na mahigit na sa 10 milyon bilang mga modernong bayani.

Noong nakaraang Kongreso, ikinagalak ni Go ang suporta ng mga kapwa mambabatas na magkaroon talaga ng sariling ahensya para sa OFWs. Binanggit niya sina Senate Majority Leader Senator Joel Villanueva, Senators Ronald “Bato” dela Rosa at JV Ejercito.

Samantala, nag-alala si Go ukol sa underutilization ng Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan (AKSYON) Fund, isang financial resource na itinalaga para sa agarang pangangalaga at tulong sa OFW na nangangailangan.

“I note that P1.2 billion budget for the Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan or AKSYON Fund has not been fully utilized as of August 31. Only 20% has been utilized,” sabi ni Go.

Bukod sa isyu ng paggamit sa pondo, binigyang pansin din ni Go ang aspeto ng human resources ng departamento.

“I also echo the concern last hearing that 60% of the positions in the department are still unfilled. Sana po mabigyan ito ng paraan ng DMW para ma-maximize natin ang pagbibigay ng serbisyo sa ating OFWs,” giit ng senador.

Sinamantala rin ni Go ang pagkakataong matalakay ang estado at kondisyon ng OFW Hospital, isang pasilidad na ang layunin ang bigyan ng komprehensibong serbisyo ang pangangalagang pangkalusugan ng OFWs na umuuwi sa Pilipinas.

Ani Go, nababahala siya sa budget na inilaan para sa mga operasyon ng OFW Hospital.

“I want to also mention, Mr. Chair, yung pagbaba ng proposed budget para sa operation ng OFW Hospital. P13 million lang ang nakalaan para sa operations nito sa 2024,” anang mambabatas.

Matatandaang inihain ni Go ang Senate Bill No. 2297 na layong ma-institutionalize ang OFW Hospital nang sa gayo’y matiyak ang tuluy-tuloy na operasyon nito at mapabuti ang mga serbisyo para sa mga OFW at kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagpapalakas sa pasilidad. Hinimok niya ang DMW na tugunan kaagad ang anumang pagkukulang sa isyung ito.

Naghain din siya ng SBN 2414 para sa pagtatatag ng OFW ward sa mga ospital ng Department of Health (DOH).

“Hindi naman lahat ng OFWs makapupunta sa Clark, kaya isinusulong natin ang Senate Bill 2414 para magkaroon ng OFW wards sa mga DOH hospital,” ayon sa mambabatas.

Previous articleAir Force cadet Monsanto unang triple gold medalist ng Luzon ROTC Games
Next articleTerrence Romeo binigyan ng contract extension ng SMB

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here