Manila, Philippines – Simply “JP” lang nang tawagin ni Aiko Melendez ng pansin ang isang baguhang aktor na anito’y mayabang daw.
Ito ang ipinost ng Kosehala ng Quezon City sa kanyang Facebook account noong isang buwan.
Bahagi nga ng post ng aktres-pulitiko: “JP, huwag kang mayabang dahil wala ka pang napapatunayan sa industriya. Hindi porke’t nagbida ka, attitude ka na! Very wrong! Lord, turuan mo ang batang ito na ‘di marunong makisama!”
It turned out na ito palang si Jerome ang tinutukoy ni Aiko.
Jerome happens to be working with Aiko’s eldest child Andre in Viva One’s digital series Safe Skies, Archer.
Nang makarating nga kay Jerome ang impression ni Aiko sa kanya, inamin naman niyang maybe he came on strong to make her think na mayabang o suplado siya.
Hinala ng mga netizens, posibleng nagpakita ng kaangasan si Jerome kay Andre.
And it’s but natural for any mother to react that way in support of her child.
Ayon naman kay Jerome, wala silang problema ni Andre.
Maayos naman daw ang kanyang pakikitungo sa kanyang mga katrabaho.
At bilang respeto na rin kay Aiko ay humingi na rin si Jerome ng paumanhin sa aktres who he addresses as “Miss Aiko.”
Lesson learned ito not only to Jerome but to all newbies or struggling artists.
Not because Jerome starred in a film does not give him the license to behave that way.
Si Aiko pa mandin ang napiling yabangan ni Jerome? Ronnie Carrasco III