Home HOME BANNER STORY Bagman ni Kerwin Espinosa, patay sa Ormoc buy-bust

Bagman ni Kerwin Espinosa, patay sa Ormoc buy-bust

539
0

MANILA, Philippines – Patay sa drug buy-bust operation ang hinihinalang bagman ni self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.

Kasabay nito ay nasabat din ng mga operatiba ang nasa P10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Kinilala ng pulisya ang drug personality na si Allan Bulahan, 37, residente ng Linao, Ormoc City na nasawi matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng Police Regional Drug Enforcement Unit sa barangay Tambulilid.

“An armed encounter ensued after the suspect sensed the approach of the operating team, immediately drew his firearm and fired, prompting the operating team to defend themselves. The suspect sustained gunshot wounds and was instantly rushed to Ormoc District Hospital for medical intervention but was pronounced dead on arrival by the attending physician,” saad sa report.

Nakuha kay Bulahan ang nasa 1.5 kilo ng shabu na ayon sa Ormoc police ay pinakamalaking bulto ng droga na nakumpiska nila sa lungsod.

Advertisement

Narekober din ng pulisya sa suspek ang dalawang weighing scale, metal spoon at bundle ng plastic wrappers na walang laman.

Kasabay din ng body search sa ospital, narekober ng mga operatiba ang P100,000 cash sa bulsa nito.

Ikinukunsiderang high-value individual at bagman ni Kerwin Espinosa ang suspek, ayon kay Ormoc city police chief Col. Nelvin Ricohermoso.

Si Espinosa ay kasalukuyang nakaditene sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

“We are glad such a bulk of drugs was trapped before reaching the streets,” pahayag ni Ricohermoso nitong Lunes, Mayo 15.

Kung babalikan, si Kerwin ay anak naman ng napatay na si Albuera mayor Rolando Espinosa, sa raid na isinagawa sa loob ng kanyang detention cell noong Nobyembre 5, 2016. RNT/JGC

Previous articleP11M pananim na marijuana, sinunog sa Kalinga
Next articleBong Go sa MUP pension reform: Retirado, mga aktibo ‘di dapat apektado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here