Home OPINION BAGONG ANTI-TERROR LAW AT AMNESTY MAAARING SABAY

BAGONG ANTI-TERROR LAW AT AMNESTY MAAARING SABAY

KUNG ako ay nagpatuloy bilang kasama sa ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, sasamantalahin ko na ang amnesty na inihain ni Pangulong Bongbong Marcos noong Nobyembre 2023.

Ito ay dahil na rin sa panghihikayat ng National Task Force To End the Local Communist Armed Conflict sa mga nalalabing miyembro ng New People’s Army na sumuko na kung ayaw nilang makasuhan sa ilalim ng Anti-Terrorism Law na naisabatas na.

Ito’y kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na naaayon sa Konstitusyon ang 99 na porsyento ng Anti-Terrorism Act of 2020 o Republic Act 11479, at magiging epektibo ito sa Enero 15 ngayong taon.

Una nang inanunsyo ng Department of Justice na nagsampa sila ng kaso laban sa 11 pinaghihinalaang miyembro ng NPA na nanambang sa mga tropa ng pamahalaan sa Occidental Mindoro noong Mayo ng nakaraang taon, na magiging unang pagsubok sa Anti-Terrorism Law.

Kapag nahatulan ang mga akusado sa kaso, ito ang magiging unang makasaysayang pagkapanalo sa korte sa ilalim ng Anti-Terrorism Law laban sa kilusang komunista.

Hindi rin ito magiging balakid sa pagagawad ng amnesty sa mga rebeldeng magbabalik-loob sa pamahalaan.

Ito ang paliwanag ng tagapagsalita ng DOJ na si Jose Dominic Clavano na nagsabing “Ang amnesty na inaalok ni PBBM ay sumasakop lamang sa mga rebeldeng naging bahagi ng ‘political crimes’.

Ibig sabihin ‘di sila gaanong nakapwerwisyo ‘di gaya ng ibang NPA rebels na nakagawa ng ‘heinous crimes’.

Ito ang binigyan diin ni Atty.James Clifford Santos, associate solicitor ng Office of the Solicitor General at taga-pagsalita rin ng NTF-ELCAC legal cooperation cluster.

Nangangahulugan na ang mga rebeldeng may nagawang heinous crimes gaya ng mga pagpatay, at pagsira sa mga ari-arian ay ‘di maaaring sakupin ng amnesty.

Kaya kung ako naman ay isang miyembro ng CPP-NPA-NDF, sasamantalahin ko na ang pagsuko. Buti na lamang at maaga akong nakapag-isip-isip at agad na kumalas sa kilusang wala naman patutunguhan kundi kamatayan o bilangguan ang lagapak ko.

Previous articlePAGTAAS NG KONTRIBUSYON NG PAG-IBIG  PAKIKINABANGAN NG MGA MIYEMBRO NITO
Next articleLotto Draw Result as of | January 18, 2024