MANILA, Philippines- Ipinalabas ng Malakanyang ang pinakabagong appointments sa dalawang departmento sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kabilang sa mga bagong appointments ay sina Mary Lyn Charisse Lagamon, itinalaga bilang Presidential Assistant I ng Office of the Appointments sa ilalim ng Office of the President. Ang appointment date ni Lagamon ay noong Enero 18, 2023, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Pinangalanan din ni Pangulong Marcos si Vicente Homer Revil bilang acting administrator at miyembro ng Board of Trustees ng Local Water Utilities Administration (LWUA).
Ang petsa ng appointment nito ay noong Pebrero 6, 2023.
Samantala, itinalaga naman si Jovy Bernabe bilang acting member ng Board of Trustees ng LWUA.
ANG appointment date ni Bermabe ay noong Pebrero . 6, 2023.
Pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang oanunumpa sa tungkulin nina Lagamon, Revil, at Bernabe sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes. Kris Jose