Home NATIONWIDE Bagong bird flu, ASF vaccine applicants sinasala ng DA

Bagong bird flu, ASF vaccine applicants sinasala ng DA

MANILA, Philippines- Marami pang foreign companies ang interesadong magbigay ng bakuna laban sa bird flu at African swine fever (ASF) upang mapigilan ang pagkalat ng animal diseases sa Pilipinas, ayon sa opisyal ng Department of Agriculture (DA) nitong Lunes.

Sinabi ni Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano na nakatanggap ang ahensya ng apat na aplikasyon upang magdala ng ASF vaccine.

Makikita sa hiwalay na dokumento ng DA na mayroong pitong aplikasyon para sa avian influenza (AI) vaccine. Sa kasalukuya, hiniling ng DA sa Food and Drug Administration na maglabas ng special import permit para sa tatlong aplikante.

Isinasapinal na ng DA ang memorandum of agreement sa Bureau of Animal Industry (BAI) at sa stakeholders for para sa pagsasagawa ng vaccine trial.

Para sa unang vaccine applicant, natapos ang phase 1 trial noong Mayo at kasalukuyang gumugulong ang phase 2 testing sa tatlong trial farms sa Padre Garcia sa Batangas, Lucena City in Quezon at Masiqui sa Pangasinan.

Hindi pa natatanggap ng BAI ang kumpletong requisite document mula sa ikalawang aplikante.

Sinabi ni Savellano na pinadadali ng DA ang application process para sa veterinary feeds, drugs at biological products, kabilang ang mga bakuna.

“For both the AI and ASF vaccines, we want to do it fast but we want to do it safe also. This is a balancing act but we are streamlining the process to expedite trials, approvals and their eventual use,” wika ni Savellano.

Magsusumite nag DA ng regulatory documents kay Pangulong Marcos, kasalukuyang agriculture secretary, para sa kanyang pag-apruba.

“AI vaccines have been around for a long time now but there is no approved protocol for its testing, approval and use,” aniya.

Sinabi pa ng agriculture official na hinaharap ng Pilipinas ang mga hamon ng ASF “like an insurgency war – farm by farm, sitio by sitio, barangay by barangay, municipality by municipality and province by province.” RNT/SA

Previous articleConfidential funds nakalaan para sa nat’l firewall, expert training – DICT
Next articlePH Red Cross handang magpadala ng tulong sa Gaza