Bagong condom, mabubuksan lang gamit ang 4 kamay

Bagong condom, mabubuksan lang gamit ang 4 kamay

April 12, 2019 @ 10:00 AM 12 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – “If it’s not a yes, it’s a no.”

Ito ang tagline sa promotional video ng bagong condom na gawa ng isang Argentine company upang bigyang importansiya ang ‘consent’ o pagpayag sa pakikipagtalik.

Ang “Consent Pack” ng mga condom ay mayroong unique system na nangangailangan ng apat na kamay – dalawang tao – na sumang-ayon para mabuksan ito sa pamamagitan ng pagpindot sa apat nitong buton sa itaas at gilid na bahagi ng box ng sabay-sabay.

Kabilang pa sa ilang tagline ay, “Consent is the most important thing in sex” at “Without consent there is no pleasure.”

Ang “Consent Pack” ay idinisenyo ng ad agency BBDO Argentina para sa Tulipan, isang kompaniya na nagbebenta ng mga adult toy at condom.

Ayon sa executive creative directors ng BBDO Argentina, Joaquin Campins at Christian Rosli, sa isang statement sa CNN: “Tulipan has always spoken of safe pleasure, but for this campaign we understood that we had to talk about the most important thing in every sexual relationship: pleasure is possible only if you both give your consent first.”

Sa ngayon, ang condom ay limited edition lamang at ibinigay lamang sa mga bar customer at mga dumadalo sa mga event sa Buenos Aires.

Gayunpaman, plano ng Tulipan na ibenta ito online sa mga susunod na buwan./Remate News Team

Share

Leave a Reply

Loading...