MANILA, Philippines- Mas pabor si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel sa produksyon kaysa sa importasyon ng agricultural products.
Naniniwala kasi si Laurel na kayang mag-produce ng mga magsasakang Pilipino ng mas maraming agricultural products.
“Hindi ako pro-importation, I am pro-production. I am a producer in my past life. While I import, but I produce a lot more,” ayon kay Laurel.
“So I believe that Filipinos can produce more,” dagdag na wika nito.
Aniya, gagawin lamang ang data-driven importation kapag kinakailangan.
“But then we really have to import when it is needed, but in order to make the right balance, we need to have the right data to manage it properly,” anito.
Sa ngayon, “incomplete” ang datos sa agriculture department.
“Iyong data natin, hindi ganoon ka-accurate, eh. I am not blaming anybody on this,” ayon kay Laurel.
Kaakibat nito, layon ni Laurel na ibalik ang Bureau of Agricultural Statistics para magkaroon ng accurate data ang DA sa kung saan nito ibabase ang desisyon sa importasyon o pag-aangkat.
Matatandaang noong si Pangulong Marcos pa ang tumatayong pinuno ng DA, palagi nitong sinasabi na nais niya na bawasan ang pagsandal ng Pilipinas sa pag-angkat. Kris Jose