Home NATIONWIDE Bagong departure rules ‘di pumipigil sa karapatang bumiyahe – DOJ

Bagong departure rules ‘di pumipigil sa karapatang bumiyahe – DOJ

142
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) nitong Sabado, Agosto 26 na ang karagdagang dokumento na hihingin sa outbound travelers ay hindi layong pigilan ang karapatan ng mga Filipino na bumiyahe.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni DOJ spokesperson Mico Clavano na layunin ng bagong departure rules na magdagdag ng “layer” para mapigilan ang trafficking in person (TIP).

Ang karagdagang dokumento ay hahanapin kung makitaan ng immigration officer ng “red flags” ang isang biyahero, o posibleng ito ay biktima ng human trafficking o kaya naman ay perpetrator.

“Iyong ibang additional documents na posibleng hingin, doon lang po hihingin ng immigration officers kapag mayroon nakitang mga red flag – kung nakakaduda po iyong kuwento ng ating mga traveler, kung insufficient po iyong mga document or makikitang peke po iyong mga dokumento,” sinabi ni Clavano.

Inaabisuhan niya naman ang first-time travelers at overseas workers na ihanda ang karagdagang mga dokumento batay sa kanilang kategorya sa Inter-Agency Council Against Trafficking’s (IACAT) 2023 revised departure guidelines para sa international-bound Filipino passengers.

“Kapag hindi satisfied iyong immigration officer sa primary inspection, doon ka lang iri-refer sa secondary inspection. Hindi pa po iyon investigation. For further questioning pa iyon para po makita talaga lahat ng dokumento,” pagbabahagi ni Clavano.

Aniya, mula Enero 1 hanggang Mayo 15 ay mayroong 39,061 pasahero ang kinailangang isailalim sa secondary inspection, at nasa 13,764 ang hindi pinayagang makabiyahe.

Ayon kay Clavano, hindi binago ng IACAT ang proseso sa 2023 revised guidelines, partikular na sa pagpapakita ng required basic travel documents. RNT/JGC

Previous articlePBBM kailangan pa ng mas maraming state visit sa pagpapalakas ng ekonomiya – business exec
Next articleNPA rebel patay sa engkwentro sa NegOr

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here