Home ENTERTAINMENT Bagong digital single ng BABYMONSTER, umariba na agad sa iTunes chart sa...

Bagong digital single ng BABYMONSTER, umariba na agad sa iTunes chart sa 14 bansa!

SOUTH KOREA – Isang oras pa lamang makalipas ang highly-anticipated debut ng BABYMONSTER nitong hatinggabi ng Lunes, Nobyembre 27, nanguna na agad ang digital single nito sa iTunes charts!

Ayon sa YG Entertainment ngayong Lunes, nanguna sa iTunes Song Chart sa kabuuang 14 na bansa ang debut digital single ng BABYMONSTER na “Batter Up.”

Umakyat din ang naturang awitin sa Worldwide Song Chart at kauna-unahang debut song na inilabas ngayong taon na pumasok sa US iTunes Top 50.

Tampok sa music video ng “Batter Up” na inilabas sa YouTube channel, ang anim na miyembro ng grupo sa kanilang hiphop-heavy song na sinabayan pa ng vocals at fast-paced rap ng miyembro ng grupo.

Ang BABYMONSTER ay binubuo ng mga miyembro ng sina Rami, Rora, Ruka, Asa, Pharita at Chiquita.

Dapat ay pitong miyembro na magde-debut sana ang grupo ngunit inanunsyo na hindi na makakasama si Ahyeon dahil sa “health reasons.” RNT/JGC

Previous articleAgri smuggling, nagpapalumpo sa Cordillera farmers – Lapid
Next articleNEDA nais ng solicited bids sa MRT-3, LRT-2 ops, maintenance