Home NATIONWIDE Bagong disaster response command center binuhay ni PBBM

Bagong disaster response command center binuhay ni PBBM

MANILA, Philippines – BINUHAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Disaster Response Command Center, matatagpuan sa central office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Batasan, Quezon City.

Ang hakbang na ito ng Pangulo ay nataon sa pagdiriwang ng ika-73 taong anibersaryo ng DSWD.

Ang command center ay mayroong makabagong teknolohiya na magpapabilis sa relief operations sa panahon ng kalamidad.

Sa kabilang dako, kinilala naman ni Pangulong Marcos ang pagsisikap ng DSWD at pinasalamatan ang mga manggagawa nito sa pagtulong sa mga Filipino ng nangangailangan.

“To call this as central office is an underestimation of the critical work that you do, and undervalues the great service that you have done to our people,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

“Here is our headquarters of our war against poverty, it is the command center of DSWD’s disaster response, the mission control of our community development drive,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.

Hindi rin lingid sa kaalaman ng Pangulo at kinilala nito ang nagawa ng DSWD hindi lamang bilang instrumento ng relief operations sa panahon ng kalamidad at sakuna kundi ang mga hinahawakang proyekto sa ibang larangan gaya ng edukasyon.

“More than palliatives, the country’s poor and deprived deserve permanent relief from conditions that chain them to misery,” ani Pangulong Marcos.

“It is not enough that we come in when they are in a time of need, when there is a disaster, and once they returned to normal life, we leave them,” aniya pa rin.

Pinuri naman ng Pangulo ang pagsisikap ng departamento na palawigin ang mandato para tugunan ang ugat ng kahirapan at pagdurusa.

“Ang ayuda ay pantawid lamang, yung iaahon ka sa hirap, di maaaring basta pabayaan ang taumbayan,” anito.

Samantala, sinabi naman ni Social Welfare Rex Gatchalian na Ipinag-utos sa kanila ng Pangulo na hangga’t maaaring ay gawing accessible ang kanilang serbisyo sa publiko. Kris Jose

Previous articleAFP seryoso sa pagsuporta sa Bangsamoro peace process
Next articlePH, Germany magtutulungan sa pagkuha ng skilled Pinoy workers – DMW