Home METRO Bagong graduate nag-celebrate sa ilog, patay!

Bagong graduate nag-celebrate sa ilog, patay!

BACOLOD CITY – Isang fresh graduate ang nalunod sa Malogo River sa Banilad 3, Barangay Nanca, E.B. Magalona, ​​Negros Occidental nitong Biyernes, Hunyo 21.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Renz Llorente, 24-anyos ng Barangay IV, Silay City, Negros Occidental.

Sinabi ni Markelly Laganipa, deputy chief ng E.B. Magalona Municipal Police Station, na nagkayayayaan umano ang biktima at ang kanyang mga kaibigan na lumangoy sa ilog upang ipagdiwang ang kanyang pagtatapos.

Gayunman, nalunod ang biktima dahil sa malakas na agos na pinalakas ng ulan.

Dinala ang biktima sa Teresita Lopez Jalandoni Provincial Hospital sa Silay City kung saan idineklara itong patay.

Namatay si Llorente dalawang araw matapos makapagtapos ng degree sa Bachelor of Science in Office Administration mula sa Silay Institute Inc.

Nagluksa ang Silay Institute Inc. sa pagkamatay ni Llorente. RNT