Home NATIONWIDE Bagong hahawak sa NFA pinangalanan

Bagong hahawak sa NFA pinangalanan

MANILA, Philippines – Itinalaga na ng gobyerno ang bagong National Food Authority (NFA) officer-in-charge na si Director IV Larry Lacson, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ang pagtatalaga kay Lacson ay dumating matapos ang afternoon meeting ng NFA Council sa gitna ng patuloy na pagsisiyasat sa umano’y maanomalyang pagbebenta ng rice buffer stock.

May be an image of 5 people, hospital and text that says 'AUTHO 1972 Authority'

“Ang Konseho ng NFA ay nagkakaisa na hirangin si Director Larry Lacson bilang Officer-in-Charge (OIC)-Administrator upang matiyak na maayos ang operasyon ng ahensya, lalo na sa panahon ng anihan,” ani Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Tiniyak ng DA ang malawak na kapasidad ni Lacson sa industriya, na may parehong karanasan mula sa pribadong sektor at gobyerno.

Bukod sa pagiging miyembro ni Lacson sa Philippine Food Expo Inc., siya ay dating co-chair sa Philippine Chamber of Commerce and Industry-Agriculture and Fisheries Committee, at isang direktor ng Bureau of Plant Industry.

Bago ang pagtatalaga kay Lacson, inatasan ng DA si Piolito Santos na maging NFA OIC bilang replacement para sa suspendidong OIC na si Roderico Bioco.

Si Santos, gayunpaman, ay kasama sa preventive suspension order na ipinataw ng Office of the Ombudsman sa 141 opisyal at empleyado.

Sa kabuuan, binawi na ng Ombudsman ang suspensiyon laban sa 23 warehouse supervisors at isang branch manager matapos itong makakita ng maling datos sa listahang ibinigay ng DA.

Ang DA ay nagsasagawa ng parallel investigation nito sa procurement at rice quality assessment data noong 2019 pa. Santi Celario

Previous articlePaglikha ng Bulacan Special Economic Zone, Freeport aprub na sa Senado
Next articleTulfo: P90M ‘investment’ tinaya sa lotto kumubra ng P600M