Home METRO Bagong hepe ng Malabon Police, pormal nang itinalaga

Bagong hepe ng Malabon Police, pormal nang itinalaga

172
0

MANILA, Philippines – Pormal nang naupo bilang bagong hepe ng Malabon City Police Station si PCol. Jay Baybayan sa isinagawang turn-over ceremony kahapon, Agosto 27.

Pinalitan ni Baybayan si PCol. Jonathan Tangonan, na nagsilbing acting police chief simula Hulyo 20.

Si Tangonan ang pumalit kay PCol. Amante Daro na ngayon ay hepe ng Chief Directorial Staff ng Quezon City Police District headquarters sa Camp Karingal sa Quezon City.

Samantala, sa ginanap na 12th Police Service Anniversary ng Northern Police Distict, ginawaran ng plaque of recognition ang Caloocan City Police sa pamumuno ni Caloocan City Chief of Police P/Col. Ruben Lacuesta kung saan nakatanggap ng Special unit award bilang Best in Anti-illegal Gambling Operations; Special unit award sa Most Number of Search Warrant Implemented; Special Unit award sa Most Number of Firearams Confiscated; at Special unit award sa Best Atin-Illegal Drug Operations.

Iginawad ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Rizalito Gapas ang mga nabanggit na parangal sa ilalim ng pamumuno ni Lacuesta.

Ayon sa hepe, mas lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya laban sa pagsugpo sa iligal na droga at kriminalidad sa kanyang nasasakupan. Merly Iral

Previous articleCOC filing sa BSKE sa Maynila dinagsa!
Next articleLTO nakipag-ugnayan sa mga LGU sa road safety sa pagbubukas ng klase

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here