Home NATIONWIDE Bagong human trafficking scheme isiniwalat ng BI!

Bagong human trafficking scheme isiniwalat ng BI!

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na natuklasan ng mga immigration officer sa paliparan ang isang umuusbong na trafficking scheme na nagpapadali sa pag-alis ng mga biktima sa mga destinasyon ng trabaho maliban sa mga nakasaad sa mga valid employment documents.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na tatlong pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang naharang kamakailan ng kanilang mga tauhan. Dalawa sa mga pasahero ang umamin na sila ay patungo sa Dubai, bagama’t ang mga dokumentong kanilang iniharap ay nagsasabing sila ay babalik sa kanilang mga dating amo.

“This modus operandi aims to mislead our immigration officers as the victims do have valid employment permits to a certain country where they had previously worked, but actually their intention is to work somewhere else,” ani Tansingco.

Sinabi ni Tansingco na target ng modus ang mga OFW na mag-e-expire na ang kontrata, at inaalok ang mga ito na magtrabaho sa ibang mga bansa sa gitnang silangan na gagamitin nila sa pag-alis.

Sa ulat kay Tansingco, binanggit ng immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ng BI sa NAIA ang kaso ng tatlong pasahero na nakasalubong kamakailan sa airport at nabiktima ng nasabing scheme.

Dalawa sa mga pasahero, parehong babae na papuntang Dubai, ay hinarang sa kanilang pag-alis sa NAIA 3 noong Nob. 1 matapos nilang aminin na ang mga valid working documents sa Saudi Arabia na kanilang ipinakita ay palabras lamang dahil ang kanilang aktwal na intensyon ay magtrabaho sa Dubai

Nagpahayag sila ng kanilang kagustuhan na hindi na bumalik sa kanilang mga dating amo, kaya gusto nilang subukan ang kanilang kapalaran sa Dubai kung saan pinangakuan sila ng trabaho ng mga taong nakilala lamang nila sa Facebook o ni-refer sa kanila ng kanilang mga kaibigan.

Iniulat din ng I-PROBES na nakatagpo sila noong Oktubre 31 ng isang repatriated na babaeng OFW mula sa Iraq na nagkuwento kung paano siya nakaalis bilang returning worker sa Dubai gamit ang kanyang valid overseas employment certificate (OEC), bagama’t wala siyang balak na bumalik sa kanyang dating empleyado. JAY Reyes

Previous articleMagna Carta for Barangay Health Workers, isinusulong ni Gatchalian
Next articleLotto Draw Result as of | November 7, 2023