Bagong kanta ng Ben&Ben, inspired sa netizen na ‘in love’ sa kanyang 8 year-best friend

Bagong kanta ng Ben&Ben, inspired sa netizen na ‘in love’ sa kanyang 8 year-best friend

May 14, 2020 @ 10:29 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Sumulat ang Ben&Ben ng bagong awitin base sa karanasan ng isang netizen na dumalo ng kasal ng kanyang best friend na halos walong taon na pala nitong mahal.

Kinilala itong may user name na si Anne Jou kung saan ibinahagi niya ang kanyang heartbreak sa comment section ng music video ng “Pagtingin.”

“So…this kept us up last night that we ended up writing a new song about it,” pahayag ng Ben&Ben.

Sa kwento, hindi binanggit ni Anne Jou na may nararamdaman na siya sa kanyang best friend sa takot na mawala ang kanilang pagiging magkaibigan.

“Before his wedding he thanked me for being his best friend and told me that before he met the girl he got married to, he loved me first. For 5 years. But he was also scared of losing me so he just decided to keep it,” bunyag nito.

“We didn’t know that if only one of us dared to make a move, a lifetime was waiting for us,” dagdag pa ni Anne Jou.

Aminado siya na nagulat at nagalit siya sa mundo makaraan ang aminan na naganap.

“While you can, please express how you really feel so that in the end you won’t regret anything.” RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Loading...