Home NATIONWIDE Bagong kasunduan magpapalakas sa military ties ng PH, Canada – Teodoro

Bagong kasunduan magpapalakas sa military ties ng PH, Canada – Teodoro

MANILA, Philippines – Palalakasin ng pipirmahang memorandum of understanding (MOU) ng Pilipinas at Canada ang military ties ng dalawang bansa, sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. nitong Martes, Enero 16.

Kinumpirma ni Teodoro ang balitang ito, na magpapalakas pa sa kolaborasyon ng dalawang bansa sa training at exercises ng mga military nito.

“[The MOU is for an] increased defense cooperation between countries like the MOUs we have with other countries,” pagbabahagi ni Teodoro sa isang ambush interview.

“Hopefully soon. Very soon,” dagdag niya, nang tanungin kung kailan mapipirmahan ang kasunduan.

Kinumpirma rin ni Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman ang nalalapit na signing ng MOU.

“We are waiting, we have colleagues coming from Canada this week, and we are waiting to receive a little bit of a final direction from our Ministry of National Defense but we hope to have the news to update you very soon,” saad ni Hartman sa hiwalay na interview.

Ipinaliwanag ni Teodoro na walang kinalaman ang pagpapalakas ng military relations ng Pilipinas at Canada sa isyu sa West Philippine Sea.

“No, and they have already been straightforward about that anyway, they support our stand with the arbitral award and in the West Philippine Sea,” ayon sa opisyal.

Matatandaan na nagtamo ng lamat ang defense relationship sa pagitan ng Pilipinas at Canada sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong 2018, kinansela ni Duterte ang P12 bilyong kontrata sa pagbili ng 16 helicopter mula Canada, kasabay ng pagbatikos nito sa naturang bansa sa pakikialam umano nito sa pagbili ng naturang mga helicopter na gagamitin sa counterinsurgency campaign ng Duterte administration. RNT/JGC

Previous article2 tiklo sa P.2M shabu
Next articleSen. Tolentino: Ang jeep ay ‘di flat nose, ‘di baby bus, ‘di coaster