Home NATIONWIDE Bagong Manila Zoo operation hours inanunsyo ni Mayor Honey

Bagong Manila Zoo operation hours inanunsyo ni Mayor Honey

Tignan: Masayang pinagmamasdan ng batang si Klyde Scott Oserin si Maali sa pagbisita sa Manila Zoo.

MANILA, Philippines – INANUNSIYO ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang mga pagbabago sa oras ng pagpapatakbo ng kilalang pasyalan at isa sa mga dinudumog ng publiko lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan ang Manila Zoological and Botanical Garden o mas kilala na Manila Zoo.

Iniulat ni Parks and Recreation Bureau Chief Roland Marino sa alkalde na ang nasabing zoo ay bukas sa publiko sa Disyembre 24 at 31 mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Sa Dis. 25, 2023 at Enero 1, 2024, ang mga oras ng operasyon ay mula 12 p.m hanggang alas-8 ng gabi.

Magbubukas din ang zoo mula alas-9 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi sa Disyembre 26 hanggang 28, habang sa Disyembre 29 hanggang 30 ay bubuksan ang nasabing zoo mula alas-9 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Samantala, naglabas ng abiso ang alkalde na ang Manila Clock Tower Museum ay isasara para sa reservation at viewing sa Disyembre 26 at magpapatuloy sa operasyon nito sa Disyembre 27. JAY Reyes

Previous articleMaulang Noche Buena mararanasan sa ilang lugar
Next articleBebot pinagbabaril sa utang