Home NATIONWIDE Bagong national security policy tututok sa international, external matters – NSC

Bagong national security policy tututok sa international, external matters – NSC

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Security Council (NSC) nitong Martes, Agosto 15, na ang National Security Policy 2023 ay mas tututok sa international at external issues kumpara sa nagdaang polisiya.

“Ngayon, if you read the new national security policy ang ating mga problema ay international, external,” pahayag ni NSC spokesperson Jonathan Malaya sa panayam sa radyo.

Idinagdag ap ni Malaya na ang bagong polisiya ay tututok sa ilang isyu katulad ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS) at Taiwan Strait, nuclear proliferation sa Korea, at sitwasyon sa Ukraine.

Ipinaliwanag niya na isinama rin dito ang bersyon ng national security policy sa ilalim nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Benigno Aquino III sa internal security issues katulad ng local terrorist groups at illegal na droga.

Ayon kay Malaya, bumuti na ang mga sitwasyong ito.

Samantala, inaasahan naman na gagawa ng action plans ang mga ahensya ng pamahalaan ayon sa bagong security policy.

“For example, ang Department of National Defense, paano natin masisiguro yung ating territorial integrity and sovereignty as well as our rights over the exclusive economic zone in the WPS?” ani Malaya.

Kaunting bahagi lamang ng bagong porsyon ng inaprubahang polisiya ang ilalabas sa publiko dahil sa security reasons.

Kamakailan ay naglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order No. 37 na nag-aapruba sa National Security Policy 2023-2028, na nananawagan para sa independent foreign policy.

Sa kautusan ay inaatasan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan kabilang ang government-owned and controlled corporations (GOCC) at local government units, na isama ang NSP 2023-2028 sa pagbuo at pagpapatupad ng security-related strategies at programs. RNT/JGC

Previous articleCBCP suportado si PBBM sa pagpapasuspinde sa lahat ng reclamation projects sa bansa
Next articleUpgrade, maintenance works sa NAIA sinimulan na; aabutin ng ilang buwan – MIAA