Home NATIONWIDE Bagong PCGG commissioner pinangalanan

Bagong PCGG commissioner pinangalanan

MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang abogadong si Rogelio Quevedo bilang commissioner ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), ayon sa Malacañang nitong Huwebes.

Inanunsyo ito ng Presidential Communications Office sa isang Facebook post.

Bago ang kanyang appointment, nanungkulan si Quevedo bilang government corporate counsel na tungkuling bantayan ang legal interests ng government-owned or -controlled corporations.

Nagsisilbi ang PCGG, sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Justice (DOJ), na anti-corruption agency. Nakatalaga itong imbestigahan ang  graft and corruption cases ng public officials at magpatupad ng mga panukala upang mapigilan ang mga ilegal na gawain sa gobyerno.

Nitong Miyerkules, iniulat ng DOJ na nakapag-remit ang PCGG noong nakaraang taon sa Bureau of Treasury ng kabuuang P2.6 bilyon, ang “highest collection in five years.”

Dinala ng remittance ng PCGG ang kabuuang cash and non-cash recovery ng komisyon sa P280 bilyon, batay sa DOJ. RNT/SA

Previous articleWillie, ginawang show ang prayer rally sa Cebu!
Next articleMost wanted rapist sa Calabarzon nadakma sa Bulacan!