Home NATIONWIDE Bagong Pilipinas, hindi bagong partisan group -PBBM

Bagong Pilipinas, hindi bagong partisan group -PBBM

MANILA, Philippines – TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi isang bagong partisan coalition ang Bagong Pilipinas.

Sa naging talumpati ni Pangulo Marcos sa Bagong Pilipinas kick-off rally sa Quirino Grandstand sa Maynila, araw ng Linggo, binigyang-diin ng Pangulo na ang “Bagong Pilipinas is not a new partisan coalition in disguise. It is a set of ideals that all us Filipinos, regardless of political creed or religion or wealth, can coalesce around.”

Giit pa rin ng Chief Executive na ang “Bagong Pilipinas” ay hindi isang political game plan para mabigyan ng pribilehiyo ang iilan kundi isa itong master plan para sa “genuine development” na mapakikinabangan ng lahat ng tao.

“Bagong Pilipinas serves no narrow political interest. It serves the people,” ayon kay Pangulong Marcos.

Tiniyak din ng Punong Ehekutibo na walang itinatagong agenda ang Bagong Pilipinas.

“To those whose overheated imagination has been poisoned by toxic politics, Bagong Pilipinas is no Trojan Horse. It is a program, many workhorses driven by the love of country,” ayon kay Pangulong Marcos.

“The sweeping vision that it brings presents—will not automatically come to fruition. It will require for all of us to work very hard,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, nakiisa naman sa nasabing event sina Vice President Sara Duterte, Executive Secretary Lucas Bersamin at PCO Secretary Cheloy Garafil.

Kaagad namang iniwan ni VP Sara ang naturang event para dumalo sa iba pang rally sa Davao City.

Ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulo na dumalo sa rally ay sina Transportation Secretary Jaime Bautista, Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, Environment Secretary Antonia Loyzaga, Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, Defense Secretary Gilbert Teodoro, Finance Secretary Ralph Recto, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Labor Secretary Bienvenido Laguesma, at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Present din sa event si Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang bawat Cabinet secretary ay nag presenta ng developments na isinagawa ng Kani-kanilang ahensiya sa ilalim ng Bagong Pilipinas campaign. ng administrasyon. Kris Jose

Previous articleDavao City prayer protest kontra Cha-cha suportado ni VP Sara
Next articleFans ng Ginebra nalungkot, GinKings sinibak ng SMB