MANILA, Philippines – INILUNSAD ng administrasyong Marcos ang “Bagong Pilipinas” campaign bilang “brand of governance and leadership”, bahagi ng pagsisikap na i-promote ang “all-inclusive” plan para sa economic at social transformation.
Sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) 24, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Hulyo 3, “Bagong Pilipinas” ay mailalarawan bilang “principled, accountable, and dependable government reinforced by unified institutions of society whose common objective is to realize the goals and aspirations of every Filipino.”
Ang lahat ng national government agencies (NGAs) at instrumentalities ay inatasan na i-adopt ang “Bagong Pilipinas” campaign sa kanilang programa, aktibidad at mga proyekto, ayon sa kalatas ng Presidential Communications Office based on MC 24.
Sakop ng MC 24 ang government-owned or -controlled corporations (GOCCs) at state universities and colleges (SUCs).
“Bagong Pilipinas is the overarching theme of the Administration’s brand of governance and leadership, which calls for deep and fundamental transformations in all sectors of society and government, and fosters the State’s commitment towards the attainment of comprehensive policy reforms and full economic recovery,” ang nakasaad sa kautusan.
Ang “Bagong Pilipinas” brand, na may aprubadong logo, ay magiging bahagi ng communications strategy ng administrasyong Marcos.
“All NGAs and instrumentalities, including GOCCs and SUCs, shall adopt the ‘Bagong Pilipinas’ logo and incorporate the same in their letterheads, websites, official social media accounts, and other documents and instruments pertaining to flagship programs of the government,” dagdag na pahayag nito.
Hindi pa naipalalabas ng Malakanyang ang kopya ng MC 24.
Samantala, sa kanyang dating vlogs, makailang ulit na binanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang planong i- transform ang bansa bilang “new Philippines.” Kris Jose