Home NATIONWIDE Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, umarangkada sa Sultan Kudarat

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, umarangkada sa Sultan Kudarat

MANILA, Philippines – SUMIPA na sa provincial capitol ng Sultan Kudarat sa bayan ng Isulan nito lamang nakaraang linggo ang pang-12 na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ng administrasyong Marcos.

Nakiisa sa nasabing aktibidad ang higit 40 miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez.

Present din si Special Assistant to the President Antonio Lagdameo sa nasabing event.

“Ang serbisyo caravan sa probinsya ay isa sa pinakamalaki,” ang pahayag ni Romualdez.

Sa kabilang dako, mahigit naman sa 120,000 residente mula Sultan Kudarat, Maguindanao del Sur at kalapit na mga lugar ang nabigyan ng mahahalagang serbisyo sa kalusugan, edukasyon at hanapbuhay.

Bukod pa sa namahagi rin ng iba’t-ibang proyekto at financial grants para sa mga residente.

“Nais ko pong magbigay-pugay sa ating magigiting at matatapang na mga sundalo na nakipaglaban sa engkwentro sa Lanao del Norte,” ayon kay Romualdez.

Samantala, may 6 sundalo ang nasawi at apat ang nasugatan sa isang operasyon laban sa mga miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group sa Munai, Lanao del Norte noong Pebrero 18.

“As instructed by President Ferdinand R. Marcos Jr., at bilang pasasalamat sa serbisyo ng apat na sugatan at anim na nasawing mga bayani, tayoy magbibigay ng cash assistance, educational at livelihood assistance para sa kanilang pamilya at mga anak,” dagdag na wika ni Romauldez.

Sa ulat, nasa 18 na miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group, kasama ang pinaniniwalaang mastermind ng pambobomba sa Mindanao State University main campus sa Marawi City noong Disyembre, na ang napatay sa mga operasyon ng militar sa Lanao del Norte. Kris Jose

Previous articleBatas sa mga senior citizen, isa pang batas tinintahan ni PBBM
Next articleEconomic Charter amendments maipadadala na sa Comelec bago ang Holy Week