MANILA, Philippines – INIIMBITAHAN ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga college students sa buong bansa na sumali sa songwriting contest na naglalayong bigyang-diin ang pag-asa ng mga kabataan para sa “New Philippines.”
Sa isang Facebook post, inanunsyo ng PCO na ang Bagong Pilipinas Songwriting Contest ay bukas sa lahat ng ‘enrolled college students’ sa buong bansa.
Ang song entries ay may haplos ng aspirasyon ng mga kabataang Filipino para sa Bagong Pilipinas o isang inspirational Filipino excellence at unbreakable spirit na sa kalaunan ay pagsasakatuparan ng aksyon.
Ang mga interesadong estudyante ay maaaring sumilip sa PCO Facebook page para sa “format, criteria, at premyo.”
Sa pagdiriwang ng Communications’ Month 2023 ngayong Oktubre, pabibilisin ng ahensiya ang isang Campus Caravan na magtatampok sa mga aktibidad gaya ng paglalagay ng “exhibition booths, media information literacy workshops, creative contests and competitions, panel discussions, Konsyerto sa Palasyo campus auditions, at internship information booth.”
Imbitado rin ang mga College students na magpartisipa sa ibang kompetisyon gaya ng short filmmaking, essay writing, mural painting, at spoken word poetry.
Samantala, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamamagitan ng Proclamation No. 308, ipinalabas noong Agosto, idineklara ang buwan ng Oktubre bilang Communications Month.
Ipinag-uutos ng Proclamation No. 308 sa lahat ng departamento, ahensiya at instrumentalities ng national government, LGUs, GOCCs, at public at private sectors na suportahan ang mga aktibidad at programa ng PCO.
Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang “CommUNITY: Nagkakaisang Tinig Tungo sa Bagong Pilipinas,” na naglalayong palawakin at ipakita ang pagkakaisa sa hanay ng government institutions sa pamamagitan ng “illustrating a whole-of-government approach in combating misinformation and disinformation while fostering a sense of unity among students and the youth.” Kris Jose