Home NATIONWIDE Bagong SBMA chief itinalaga ni PBBM

Bagong SBMA chief itinalaga ni PBBM

MANILA, Philippines – OPISYAL na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang negosyanteng si Eduardo Aliño bilang bagong chairperson at administrador ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Sa katunayan, pormal nang nanumpa sa kanyang tungkulin si Aliño sa harap ni Pangulong Marcos bilang SBMA head sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. sworn in businessman Eduardo Aliño on Friday as administrator of the Subic Bay Metropolitan Authority,” ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil sa isang kalatas.

Ang SBMA ay nagsisilbi bilang “operating at implementing arm” ng gobyerno para sa development ng Subic Bay Freeport upang maging “self-sustaining tourism, industrial, commercial, financial, at investment center” para makalikha ng employment opportunities.

Pinalitan ni Aliño si dating SBMA administrator Jonathan Tan na uupo naman sa kanyang bagong posisyon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Tinuran pa ni Garafil na nanumpa na rin si Tan bilang DILG undersecretary.

Si Aliño ang chair ng Subic Bay Yacht Club, at maging pangulo at chairperson ng S.T.A.R. Group of Companies.

Siya rin ang pangulo at chairperson ng Subic Bay Freeport Grain Terminal Services, Inc. at Mega Equipment International Corp.

Samantala, si Tan ay nagsilbi naman bilang Alkalde ng Pandan, Antique mula 2010 hanggang 2019.

Si Tan ay isa ring negosyanteng na siyang nagmamay-ari ng JDT Construction and Supply at nagsilbi bilang pangulo ng JDT Trading. Kris Jose

Previous articleCase folder ng mga iniimbestigahang pasaway na parak, nawawala!
Next articleUnang atas kay Recto: Trilyong buwis kolektahin sa 2024