Home METRO Bagong silang na sanggol, itinapon sa tabing-dagat

Bagong silang na sanggol, itinapon sa tabing-dagat

ILOCOS SUR-Patuloy na inaalam ng Candon City Police Station kung sino ang walang pusong ina na nagtapon ng patay na bagong silang na sanggol sa tabing-dagat sa Brgy. Darapidap, Candon City ng lalawigang ito.

Bandang 7:49 ng umaga kahapon, Marso 22 nang makatanggap ang Candon CPS ng tawag mula sa isang barangay official ng Brgy. Darapidap tugngkol sa nadiskubreng bangkay ng bagong panganak na sanggol na itinapon sa tabing-dagat.

Ang bagong panganak na sanggol na isang lalaki ay nadiskubre ni Jimmy Dela Cruz y Ramires, 55, walang asawa, residente ng naturang lugar.

Naglalakad umanong mag-isa si Dela Cruz nang madiskubre ang bagong panganak na sanggol malapit sa isang plastic bag na hinihinalang ginamit na pantakip o pinaglagyan sa patay na sanggol.

Dahil dito, agad na ipinagbigay-alam ni Dela Cruz sa barangay ng kanilang lugar ang kanyang nadiskubre.

Ayon naman sa City Guard ng Darapidap Food Court, bandang 10:00 ng gabi ng Marso 21, dalawang hindi nakilalang babae ang nakita niyang nag-iinuman sa baybayin kaya sinabihan niya ang mga itong umalis na dahil gabi na.

Pagdating ng 10:40 ng gabi ay umalis ang dalawang babae sa lugar kung saan ang bangkay ng bagong panganak na sanggol ay natagpuan kinaumagahan. Rolando S. Gamoso

Previous articleBarko ng Pilipinas, ginitgit na naman ng China Coast Guard!
Next article17 barko na sangkot sa dredging sa Zambales hinarang ng PCG