Home NATIONWIDE Bagong tulay sa Aklan nakumpleto na – DPWH

Bagong tulay sa Aklan nakumpleto na – DPWH

MANILA, Philippines – Tapos na ang pagtatayo ng bagong tulay at nagpapatuloy na slope protection works ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na layong padaliin at gawing ligtas ang biyahe sa mga bayan ng Nabas at Balete, Aklan.

Magbebenepisyo sa bagong Mayudmon Bridge ang rural communities sa bayan ng Balete.

Ayon kay DPWH Region 6 OIC-Director Sanny Boy Oropel, kabilang sa proyekto ang konstruksyon ng 12-meter concrete bridge bilang kapalit ng lumang temporary bridge.

Makakayanan ng bagong tulay ang mabibigat na mga sasakyan, at magkokonekta sa mga Barangay Oquendo at Guanco hanggang Cortes.

Nagkakahalaga ito ng P14.3 milyon.

Samantala, nagsasagawa ang DPWH Aklan District Engineering Office ng rockfall netting projects sa ilang bahagi ng Aklan West Road sa Nabas upang maprotektahan ang landslide-prone communities laban sa mga bumabagsak na debris.

Gagamit ang P1.7 bilyon na proyekto ng high tensile active wire mesh sa kabuuang 8 ektarya ng lupain.

“By striking a balance between development and environmental preservation, this new technology contributes to both guarding against accidents and promoting the sustainability and resilience of the region,” ani OIC-Director Oropel. RNT/JGC

Previous articleHigit P740K shabu nakumpiska sa Parañaque drug ops
Next article12 patay sa stampede sa national stadium sa Madagascar